I scrawl...
my inner thoughts...
these were photos taken at a booth last Nov. 21 at Alabang Town Center when my friends and I watched Twilight Saga New Moon.I was with my best friends Ann, Sam and Kayann. Pat was supposedly be there also, unfortunately, she wasn't able to come. Nagkasalisi kami. hehe.
so parang ang tagal tagal na since i last posted an entry. haha.
bukod kasi sa pagiging busy, naadik ako sa panonood ng asian dramas. ahaha.
nagsimula ang lahat nang iintroduce sakin ni ate yuki ang isang bagong movie sa japan
na ang title ay Boku No Hatsukoi Wo Kimi Ni Sasagu.
ang ever so beautiful na si Inoue Mao ang bida dun.
at dahil sa masyado akong naexcite mapanood yun, I researched about Inoue Mao.
hindi ko pa kasi alam sa mga panahong ito na siya pala ang gumanap na Makino sa hana yori dango for the fact na hindi ko pa napapanood ang hana yori dango.
I've watched meteor garden when I was in grade 3 at siyempre, kasama rin ako sa F4 fever nun. haha.but later on, nakaget over rin ako sakanila. until recently, dumating ang remake ng korea which is yung Boys Over Flowers.
alam kong may Hana yori dango na nag-eexist. pero ewan ko. di ko siya pinanood e. hahaha. so ayun na nga... nang dahil sa Boku No Hatsukoi Wo Kimi ni Sasagu, pinanood ko ang HYD. at wow. double the craziness ang naramdaman ko kesa nung sa MG at BOF. hehe.
I must admit, BOF is the grandest. pero hindi ako "nabaliw" sa version na yun. I like it, though. But I like HYD's storyline the best. sinunod kasi nila yung original story nung manga. Hindi man kasing "grand" ng BOF, 100x more naman akong kinilig. hehehe.
kaya sobra akong nalungkot nang matapos ko ang HYD, HYD2, at HYDfinalmovie.
kaya rin pinapanood ko ngayon at kinaadikan ang chinese version ng mga drama na ito. at yun ay ang Let's Watch Meteor Shower Together.
nung sinimulan ko 'to, I was like "What the hell. this is the worst version." napangitan ako sa F4 nila. di ko talaga feel. tapos naguluhan ako sa simula 'cause it was nothing like an F4 story. pero as the story goes on, unti-unti na akong natatawa, kinikilig, naiinis... and then narealize ko na lang... "It wasn't so bad after all."
narealize kong, gwapo rin pala si Zhang Han bilang si Dao Ming Si/Domyouji/Jun Pyo lalo kapag nakasmile siya.
Cutest ever ang San Chai/Makino/Jan di na si Zheng Shuan.
Ang hindi ko lang talaga maatim is si Yu Hao Ming ba yun na gumanap na Hua Ze Lei/Rui/Ji Hoo. siya lang talaga di ko mafeel sa kanilang lahat. wahahaha.
So bakit ko nilalagay sa blog ko ang lahat ng ito?
Wala lang. wala akong maiblog e. hahahaha.