I scrawl...
my inner thoughts...
isa sa pinakamasayang gawin ay ang magsimula ng blog.
masayang mag-isip ng title, ng layout design, ng magandang domain na gagamitin...
makailang ulit na akong nagsimula ng blog. pang-apat na ata 'to. (lol)
at wala pa akong blog na namemaintain ng maayos. wahahaha.
lahat, puro simula lang.
Pero sa bawat blog na sinisimulan ko, sa isang step talaga ako nahihirapan.
at yun ay ang...
Kung anong ilalagay sa first entry ng blog.
sa totoo lang, hanggang sa mga sandaling ito palaisipan parin sakin
kung anu nga ba talaga dapat ang nilalagay sa first entry.
dapat ka bang magpakilala?
dapat bang parang wala lang, you just start right away?
but whichever the case is, i hope this would be the first blog na mamemaintain ko, thoroughly.