I scrawl...
my inner thoughts...
I wanted to talk to you kanina pero wala pa akong lakas ng loob.
well...
hindi naman ako galit sayo.
gusto ko lang marealize mo yang ginagawa mo.
Hindi ko na talaga gusto kim yung mga nangyayari sayo e.
sa totoo lang,
nakakapagod maging best friend mo.
Hindi dahil sa araw-araw kang nagrereklamo, nagkukwento tungkol sa magulo mong love story na yan.
hindi dahil sa nakakalimutan mo nang itanong ko may problema rin ba kami.
Yung mga yun,
kaya naming itolerate.
kaibigan ka namin e.
ang hindi ko lang talaga masikmura is yung
harap harapan ka na ngang ginagago, nagpapagago ka pa.
Nahihirapan rin ako kim. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Kung
mangingialam ba ko or
hayaan na lang kita sa gusto mong mangyari.
gusto ko talagang hayaan ka na lang.
pero everytime na lalapit ka saking umiiyak, anu namang magagawa ko kundi mangialam diba?
tapos yun pa. Inaway ko na nga si ezekiel e.
Pinahiya mo pa ko.
Alam mo bang akala ng lahat e kaya ka lumapit kela ezekiel e para awayin rin siya?
Nashock kaming lahat at nagpacute effect ka pa. sobra na kim e.
Don't say na
mabait ka kasi.
Hindi kabaitan yan e.
katangahan na yan.
kaya ka ginaganun ni ezekiel kasi pumapayag kang ganunin ka niya.
May alam ako sayo na hindi mo sinabi sakin.
and i understand kung bakit di mo sinabi sakin.
pero nung nalaman ko yun at nung nabasa ko yung pag-uusap niyo sa cellphone ko isa lang pumasok sa isip ko e.
Kaya hindi ka tuluyang mabitawan ni ezekiel e dahil dun.
Dahil hindi pa niya nakukuha yun.
Ayokong isiping yun lang habol niya sayo.
Alam ko namang
mahal ka rin niya.
Pero hindi ko maiwasang isipin yan kasi ang gulo gulo ng isip niya e.
well, wala naman akong pakialam sakaniya.
at the first place hindi ko siya kaibigan.
Nalungkot lang ako..
kasi pumayag ka. natuloy man o hindi.
Naisip ko yung sinabi mo noon na hindi ka tutulad sa mommy mo.
Hindi naman sa hinuhusgahan ko ang mom mo.
pero sana inisip mo muna yung mom mo, yung future mo bago ka pumayag.
wala namang nangyari so ok lang.
pero kasi yan din yung dahilan kung ba't ka niya nasasabihan ng pokpok, malandi at kung anu-ano pa e.
The point is gusto kong isipin mo lahat ng ito.
Kasi
masyado nang malalim ang pagkahulog mo kim.
kaya hirap na hirap kang bumangon. well, ayaw mo rin kasing tumayo kaya hindi ka makamove on.
Hindi ko naman masasabi sayong layuan mo si ezekiel 'cause i know you won't.
at saka wala ako sa position para sabihin yun.
Labas ako sa kung anumang meron kayo.
ang masasabi ko lang, wag kang magpakatanga and then you'll come to me crying.
Ayaw kong lalapit ka saking umiiyak nang dahil kay ezekiel dahil hinayaan mo siyang paiyakin ka. gets?
ayoko namang masira ang friendship natin.
we've been friends for 10 years now. graduating pa tayo.
Pero sana talaga kim gumising ka na. please lang.
Kasi sa totoo lang sabi nila sam at ann, pinagpalit mo yung last years nating magkakasama para kay ezekiel and hindi kami nagcomplain tungkol dun.
Sana man lang ngayong inaalala ka namin, pakinggan mo naman kami.
Hindi mo lang alam pero
sobrang mahal ko kayong mga
kaibigan ko.
yung bawat
pain niyo, pain ko rin.
Kahit wag ko na nga masabi yung mga problema ko e basta ba natutulungan ko kayo, basta ba nararamdaman niyo yung essence ko as a
bestfriend kahit paano, ok na sakin yun.
Kaya kim,
wake up please. Kahit hindi na para saming friends mo, kahit hindi na para sakin.
kahit para na lang sa sarili mo....