I scrawl...
my inner thoughts...
ako ang takbuhan ng best friend ko pag may problem sila ng boyfriend niya.
takot daw kasi sakin yung boyfriend niya.
kaya madalas, ako ang JUDGE pag nag-aaway sila.
but the thing is...
ewan ko. parang wala akong gana makialam sa relationship nila.
I mean, hindi tulad ng past relationship niya...
hindi na niya ko kailangan sabihan pa
kapag kailangan kong kausapin ang boyfriend niya.
ako na mismo ang kusang kakausap at mag-aayos kung may dapat ayusin.
pero ngayon?
she needed to ask me para tulungan sila.
parang hindi ko talaga feel na tulungan sila sa relationship nila.
at first kasi, hindi naman na talaga ko boto sa boyfriend niya.
alam niyo na, may instinct e. hehe.
but unt-unti ko rin namang natututunang iaccept yung boyfriend niya.
after all, siya ang napili ng bestfriend ko.
wala akong magagawa dun.
pero ngayong naghiwalay na sila?
and a very bad break up pa?
hindi ko alam kung paano icocomfort ang kaibigan ko.
lalo pa kung nabubulag at nagpapakatanga siya sa mga desisyon niya.
biruin niyo.
matagal na pala siyang sinasabihan ng kung anu-ano pag galit
yung boyfriend niya...
matagal na silang away bati...
tapos ngayon,
nakipagbreak ang boyfriend niya with the same reason
na ginamit ng ugok noon sa kaibigan namin
na ex niya.
tapos ang planong naisip pa niya e
habulin yung lalaki para daw mainis. argh.
e yun nga ang gusto ng mokong e.
ang habulin siya.
siyempre nga naman, ang gwapo niya pag ganun.
e kung ang ginawa niya
e she acted as if nothing happened?
kung ang ginawa niya e dedmahin ang mga pangyayari
and act as if wala lang sakaniya na nagbreak sila?
edi nagmukhang pinaglaruan niya si lalaki.
edi sana napahiya si lalaki.
edi sana siya ang humahalakhak ngayon.
haay naku.
naiinis talaga ko.
the thing is, i don't know how to tell her.
siya kasi yung tipo ng taong mahirap sabihan.
nanghihinayang lang ako
'Cause i know she's better than what she is doing now.