I scrawl...
my inner thoughts...

Post Title:
Teentalk::Candy::Quizzes::results
dahil wala akong magawa...
natripan kong magsagot ng mga quizzes
sa teentalk.
at ito ang mga lumabas na resulta.
know more about me, then.
my kind of cutie
You're a real-life Cinderella searching for her Prince Charming. You prefer boys who court you the traditional way—through flowers, chocolates, and long conversations. No text-message proposals, please! Take more quizzes like this on Candymag.com
very fitting
Classic Chick
You love classic chic. Ruffled top, flowy skirt, and ballet flats. You love to read a good book and have me time. You have a lot of friends but you only get to hang out with them once in awhile. You're reserved but you also know when to have fun. Take more quizzes like this on Candymag.com
*xet. classic pala ako? HAHA.
Artsy Fartsy
Fashion Phenom
Whether it's piecing together get-ups for your girlfriends, or dreaming of sewing up your own collection and having the world' top models strut down the catwalk wearing them, your creativity lies in the world of fashion. Stay up to date and in vogue by visiting this 16-year-old teen stylista's blog, seaofshoes.typepad.com. Take more quizzes like this on Candymag.com
How hard do you fall
Boulder High. You can't understand why couples baby talk or why your friends are so into their crushes. Give your Romeo a chance to prove himself and maybe you'll realize that love is a great adventure - pet names, heartbreaks, second chances and all. Take more quizzes like this on Candymag.com
Which Twilight Character are You
You are Edward Cullen.
Smart, charming, and talented, you are capable of loving selflessly and unconditionally. You are very perceptive. You usually know what a person is thinking before he/she tells you. You are old-fashioned and a hopeless romantic. Take more quizzes like this on Candymag.com
*woah. ako'y isang CULLEN! HAHA.
My So-Called Life
Gossip Girl
You enjoy living life in the fast lane! You're a metropolitan princess who always gets what she wants. Truth be told, some people fear you because of your charm and influence. Use these wisely or you may end up being friendless and at the bottom of the social ladder. Take more quizzes like this on Candymag.com
*ako'y isang GOSSIP GIRL??
Please Don't Stop The Music
Kate Nash
You know what you want and stand by it, even if it deviates from what the rest of the world chooses. You love art in any form—music, fiction, poetry, paintings, photography—and creativity comes naturally to you. You're smart and insightful, but also laid-back and funny, and what’s wonderfully unique about you is that you can find fulfillment in the things most people take for granted. Take more quizzes like this on Candymag.com
Where Will You Meet Your Boyfriend?
At your favorite band's gig
Your love for music will ultimately lead you to the guy of your dreams. His passion for music is inspiring—maybe you'll start talking when he lends you his garage band's demo CD. Whatever the conversation starter is, you'll never run out of things to talk about and gigs to attend. Who knows, the two of you might make music together too! Take more quizzes like this on Candymag.com
ayan. tinamad na kasi ako. hehe.

posted @ 4:54 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
Ang Gasgas Kong Love Story :: Prologue
PROLOUGE:
Pustiso ka ba?
Kasi, can’t smile without you.
Hey, did you fart?
’Cause you blew me away!
I hate to say this but…
You’re like my underwear.
’Cause I can’t last a day without you!
Uy papicture!
Para ma-develop tayo!
Kastila ka ba?
Binihag mo kasi ang puso ko.
Ang pagmamahal ko sayo ay parang LBM.
Ang hirap pigilan.
x.x.x.x.x.x.x
Bakit ang mga punchline na yan
CORNY at gasgas na pero napapangiti ka pa?
MapapaTAWA ka rin kaya
Ng Lab story kong Gasgas na?
Ano?
Basa na.

posted @ 5:10 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
On my best friend...
ako ang takbuhan ng best friend ko pag may problem sila ng boyfriend niya.
takot daw kasi sakin yung boyfriend niya.
kaya madalas, ako ang JUDGE pag nag-aaway sila.
but the thing is...
ewan ko. parang wala akong gana makialam sa relationship nila.
I mean, hindi tulad ng past relationship niya...
hindi na niya ko kailangan sabihan pa
kapag kailangan kong kausapin ang boyfriend niya.
ako na mismo ang kusang kakausap at mag-aayos kung may dapat ayusin.
pero ngayon?
she needed to ask me para tulungan sila.
parang hindi ko talaga feel na tulungan sila sa relationship nila.
at first kasi, hindi naman na talaga ko boto sa boyfriend niya.
alam niyo na, may instinct e. hehe.
but unt-unti ko rin namang natututunang iaccept yung boyfriend niya.
after all, siya ang napili ng bestfriend ko.
wala akong magagawa dun.
pero ngayong naghiwalay na sila?
and a very bad break up pa?
hindi ko alam kung paano icocomfort ang kaibigan ko.
lalo pa kung nabubulag at nagpapakatanga siya sa mga desisyon niya.
biruin niyo.
matagal na pala siyang sinasabihan ng kung anu-ano pag galit
yung boyfriend niya...
matagal na silang away bati...
tapos ngayon,
nakipagbreak ang boyfriend niya with the same reason
na ginamit ng ugok noon sa kaibigan namin
na ex niya.
tapos ang planong naisip pa niya e
habulin yung lalaki para daw mainis. argh.
e yun nga ang gusto ng mokong e.
ang habulin siya.
siyempre nga naman, ang gwapo niya pag ganun.
e kung ang ginawa niya
e she acted as if nothing happened?
kung ang ginawa niya e dedmahin ang mga pangyayari
and act as if wala lang sakaniya na nagbreak sila?
edi nagmukhang pinaglaruan niya si lalaki.
edi sana napahiya si lalaki.
edi sana siya ang humahalakhak ngayon.
haay naku.
naiinis talaga ko.
the thing is, i don't know how to tell her.
siya kasi yung tipo ng taong mahirap sabihan.
nanghihinayang lang ako
'Cause i know she's better than what she is doing now.

posted @ 4:23 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
Missing Me
I love the way it feels when you touch my hand
Don't wanna let you go
I love the way you say that I am your man
Don't understand why we can't go on and go on
Don't understand why
You don't belong in my arms
And even if I cried a thousand tears tonight
Would you come back to me
And even i f i walked on the water
Would you come out to see
Now I can't spend my life standing by
Cause even when I miss you
You're still not missing me
It's funny how my heart just won't let it go
I just don't understand
It's crazy how the pain seems to overflow
The memories of you here with me by my side
I can't deny that you are the love of my life

posted @ 9:24 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
Ang Gasgas Kong Love Story
Natapos ko ang poster ng susunod kong story in just 30 minutes.
simple lang kasi. hehe.
2 pictures, konting gradient, the labels...
and viola!
nagawa na siya. hehe.
natuwa ako
kasi ang simple lang niya.
but heck, it's cute. HAHA.
so i thought of sharing it here.


posted @ 8:14 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
50 Reasons Why I Cried
Umiyak ako dahil sa...
1. Gutom
2. Insomnia
*Sometimes, it's not so good. lalo kung gusto mo nang matulog*
3. Naapakang Paa
4. Bumalinghat na kuko
5. Stiff Neck
6. Constipation
*HAHAHAHA*
7. Dysmenorrhea
8. Diarhe
*nakakalantang gulay*
9. Pagkadapa
*its the kahihiiyan that counts*
10. Napahiya sa maraming tao
11. Pang-aasar ng taong pang-asar
*pikon ako e*
12. Panonood ng tear jerker movies
13. Pagbabasa ng nakakalungkot na story
14. Panonood ng nakababaha ng luhang music video
*walang patawad yung Because I'm A Girl*
15. Pag-iisip ng nakakalungkot na update at concept ng story
16. sobrang pagtawa
*hahahah. ahahahahahaha.ahahahahaha!!!*
17. Pagkaantok
*nakakaluha ng mata yun diba?*
18. Pagkaguilty sa pang-aaway sa Daddy ko
19. Pag-aaway namin ni Mommy
20. Acting.
*School Activities e*
21. Pag-alis ni AJ
22. Nag-away kami ni Ann
23. Nag-away kami ni Kim
24. Nasira ang friendship namin ni Paula
25. Inaway at nakipagaway sa ex ng ex ko.
*talk about katangahan*
26. Nalalapit na graduation at paghihiwa-hiwalay
27. Sobrang Takot
28. Heart attacks ko
29. Awa sa ibang tao
30. Sobrang nerbyos
31. Hindi masolve ang isang math problem
*nakakairita yun diba?*
32. Hindi nangyari ang gustong mangyari
33. Nagexpect manalo pero natalo
34. Pagkaubos ng pasensiya
35. Pagkamatay ni Ms. Poblete
*eldest and dearest teacher in school*
36. Iniwan ni Edward si Bella
*i felt the pain, men. tugsh!*
37. Kaibigan ko ang mahal ng mahal ko.
38. Pagwitness na nasasaktan ang bespren ko
and i can't do anything about it.
39. Pagwitness sa attempted suicide ni bespren
40. Pagdedesisyong ilet go siya
41. Pagkagulo ng isip kung siya ba o siya
42. Pag-iwan ko sakaniya
43. Pag-iwan niya sakin
44. Sobrang pagkabwisit sa kapatid kong bwisit
45. 3 taon na kong walang lablayp
*minsan, malungkot rin maging single*
46. Pinaasa ako sa wala
47. Panghihinayan sa nasirang pagkakaibigan
48. Alaala ng nakaraang pag-ibig
*echos*
49. Katotohanang mawawala rin ang mga taong mahalaga sakin,
in one way or another
50. death

posted @ 10:18 AM
0 people have commented
x.x

Post Title:
Close Up
I thought of writing a brief history of my life. and so,here it is.
nagkakilala ang parents ko sa tapat ng poste ng PLDT
nung naganap ang lindol ng 1990 na yumanig sa Pilipinas.
Kasabay ng pagyanig ng lupa ang pagyanig ng mga puso nila
*charing!*
minsan, nakitulog si papa sa bahay ni mama.
(let's skip all the ligawan parts, corny yun e. HAHA)
pagpatay ng mga ilaw, bigla raw niyakap ni papa si mama.
E saktong nakiepal ang bunso kong Tito.
Ayun. Nacaught in act ang mga magulang ko.
Kinabukasan, inengage sila.
May 15 1992 nang ikasala sila.
March 27 1993 naman isinilang ang pinakamagandang nilikha ng Diyos.
Ako yun, siyempre. HAHAHA.
After 3 years ng pagiging tanging mutya ng pamilya,
sinundan ako ng panget kong kapatid na lalaki.
Ito yung kapatid kong masama ang ugali
at masarap ingudngod sa pader pero labbs ko parin.
Nung 7 years old ako, lumipat kami sa bahay namin ngayon.
Masikip na daw kasi sa dati naming bahay.
nun pala, buntis na si mama sa pangalawa kong li'l bro.
Ito naman yung sweet at babakla bakla.
Pero wag kayo, 2 years old palang nakapers kiss na.
(sa babae a, hindi sa lalaki. HAHA.)
After 3 years ulit, dumating naman ang bunso namin.
Babae siya at maganda. Mana sa ate.
Edi ayun, nakumpleto rin ang d.u.a.b.e force
Kung mga kaibigan ang usapan, marami ako niyan.
Sorcerress pa nga'ng tawag samin noon.
Bakit?
Wala lang.
Mga pauso nung gr3, gawa ng kasikatan ng WITCH comics.
Yung mga sunod kong friendship, wala ng group name.
Basta, friends come and go hanggang natira ang mga friendship ko ngayon.
Sina Kim, Sam, Ann at Pat.
siguro kung may group name kami, THE TRIO na yun.
Puro 3 letters kasi ang names namin e. hehe.
Pero sa sobrang pagkafriendly ko e may other friends pa ko.
At may group name na yung mga yun.
The Pranings. Labbs ko ang mga yan
kahit hindi na nila ko labbs. haha.
Feelingers Society. Ang pagiging mga feeling namin
ang nagbibigkis sa amin. LOL. haha.
The Beteranos. CC Ttalk best authors yan.
Mga otors na hindi right grammar with coherence and unity
ang kinoconsider sa pagsulat
kundi ang humor at ang pagiging OTor.
Usapang Lablayp. ayiieee.
Preschool palang ako lumalablayp na ko. HAHAHA.
say niyo??
Si Leonard pa nga crush ko nung mga bulinggit pa kami. wahahaha.
Ngayon, binata na siya at balita ko may girlfriend na.
Nung Gr1, si Shiou.
Half hapon yan. Crush din niya ko nun kaya masaya.
Ngayon, mataba na siya. HAHA.
Gr2. Yung bespren ni Shiou na si Ken.
Feeling Barbie kasi ako. lol. HAHAHA.
Wala na akong balita kay Ken ngayon e.
eto. Nung Gr3, si Aldous ang lab op my layp ko.
Naaalala ko si Orlando Bloom sa kaniya.
Gwapo parin siya hanggang ngayon pero may Gf na e.
*sayang* LOL.
Gr4. Si Dann naman.
Labtim ko yan noon e. HAHA.
Good boy na makulit. At hanggang ngayon ganun parin siya.
Frat member na may bisyong sigarilyo't beer na nga lang. haha.
Gr5, balik Aldous ako.
Ayaw ko magcomment masyado sakaniya.
Baka awayin ako ng gelpren, mahirap na. HAHA.
Pero nung Gr6, grumaduate na ko sa mga puppy loves.
Dahil nun ko natagpuan ang aking First Love.
Pero ibang kwento na yun.
Sa ibang blog entry na lang.
o ayan ang brief but long history ng buhay ko.
Anu? Close na ba tayo??

posted @ 3:25 AM
0 people have commented
x.x